BLOGGER TEMPLATES - TWITTER BACKGROUNDS »

Sunday, July 26, 2009

Naman kaseeeeee...

Ayoko naman kasi talagang ikwento. Pero hindi ko talaga mapigilan ang sarili ko. Alam ko namang hindi maganda ang maidudulot ng pagkukwento ko sa bawat nangyayari, pero ayun, tuluy-tuloy lang ang pagmutawi ng mga salita. Minsan parang... "Ops! Teka, bumusina ka muna!" Nakakainis. Wala naman talaga siyang ginagawa sa 'king masama (pwera na lang yung fact na lagi niya 'kong inuutusan. Betch!) Mabuti naman siyang tao eh. Hindi niya 'ko nilalait kahit na mabagal ako magtrabaho. Basta personally, I find him okay. Pero bakit kasi ganun?

Hindi ko ninais na siraan siya sa maraming tao. Hindi ko talaga sinasadya. Minsan lang talaga, may mali kasi sa kanya. Ang weird kasi kahit naman araw-araw kong nakikita ang fez niya eh buti hindi pa'ko nababadtrip. Hindi pa naman umaabot sa point na ganun. PERO KASI... ganun. May mga bagay na nakakaasar lang siguro kapag naiisip siya ng mga tao.

Hay nako. Basta.

*****

Saan ako pwedeng makapanood ng Saiun Mono na kumpleto? Bwiset, putul-putol na Episodes 37-39 yung lagi kong nakikita sa net. BADTRIP! Gustung-gusto ko na talaga siyang matapos at nang makapag-move on na'ko! RYUUKI! Please let me go. Hahahaha.

*****

Sinong nanalo between Switzerland and South Africa sa FIFA World Cup? I haven't watched TV for 2 straight weeks. Malala ito. Kahit man lang espn.com hindi ko na nabibisita sa world wide web. GEEK. I feel like one today. Tsk. Football na nga lang ang libangan ko, tinanggal ko pa sa sistema ko.

*****

Ang hot ng boses ni John Hoon. Matagal ko na siyang gusto pero ngayon lang naintensify. Grabe. Matagal ko na ding alam yung single niya na SIRIUS pero ngayon lang ako nagkatime para idownload at hanapin yung lyrics para naman makasabay ako sa hot na hot niyang voice. :) I love you John Hoon! Mas mahal na kita kesa kay Joo Ji Hoon! :)

*****

Sinong nanonood ng Kyou Kara Maoh? May season 3 ba talaga yun? Nakakita kasi ako ng DVD. Season 3 yung nakalagay, kaya ayun, ako naman si bili agad. Hindi ko pa nattry panoorin bilang hindi pa nga ako humaharap sa TV. Hmm.. I wonder what season 3's all about. Can't wait to see it. :)

*****

Speaking of. What the heck, I still haven't watched the 6th HP film. Anoooooo baaaaaa... Joice Anne, get a life. Antagal-tagal kong hinintay, tapos hindi ko pa din napapanood. Nakoooo namaaaaan.

*****

Ang saya talagang manood ng ASAP with my mom. Like niya din kasi si Luis Manzano. So kapag Kanto Boyz na yung nagpeperform, tutok talaga kaming dalawa. What's special about the KB's performance today? It's all about Luis' mom, Vilma Santos. Astig! hahahaha. As in tawa lang kami ng tawa dahil kay Luis, tsaka kay Vhong! Hay. I will watch ASAP live one of these days. Hintayin niyo 'ko sa TV screens niyo. Harhar!

*****

THESIS! THESIS! MF***ing THESIS! On a besoin d'une problematique! Bwiset na yan, bakit sa lahat ng pwedeng hanapin, problema pa! Bakit ba kasi kelangang maghanap ng problema? I want a problem-free life! Hahahaha! I know Lord will provide me with answers, I just have to look for it eagerly and earnestly. He will provide me with the problem too, I bet. :) I love you Lord! :)

*****

And as usual, humahataw na naman ako sa Resto City. I swear, adik na'ko. DORK! Hahahaha.

0 violent reactions: